Advertisers
PATAY sa baril isang bading nang manghipo ng kainuman sa Barangay Pahinga Norte, Candelaria, Quezon nitong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Zaldy Manlolo Custodio.
Sa ulat, nakitaan ng tama ng bala ng baril ang katawan ng biktima.
Ayon sa report ng Candelaria Municipal Police Station, huling nakita ang 30-anyos na biktima na kainuman ang dalawang kabataan sa barangay Biyernes ng gabi.
Agad na inimbitahan ang dalawang kabataan sa presinto para iimbestigahan. Inamin ng isa, Joseph, ang krimen.
Ayon sa salarin, ilang beses siyang hinipuan ng biktima. Makulit daw ito nang malasing na. Dahil hindi raw ito tumitigil sa panghihipo sa kanya, umalis siya at kumuha ng baril.
Pagbalik sa inuman, isinama niya ang biktima sa masukal na parte ng barangay at doon niya ito binaril.
Nagsilbi namang witness sa krimen ang kasamahan nito.