Advertisers

Advertisers

FBI NAKATUTOK SA NETWORK NG CPP-NPA-NDF SA US

0 13

Advertisers

NAGSASAGAWA na rin pala ang mga awtoridad sa Estados Unidos hinggil sa posibleng pagkakasangkot ng mga Fil-Am at mga organisasyong sumusuporta sa insurhensiya sa Pilipinas.

Inilabas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ulat na iyan, kasunod ng mga impormasyong ibinunyag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na pinamumunuan ng mga komunista, tungkol sa umano’y pagsisiyasat ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa pamilya ng isang Amerikanong aktibistang nakakulong sa Pilipinas.

Ayon sa NDFP, sinabi ni Gabe Pasion, isang nalinlang na kasapi ng Anakbayan, sa isang press conference sa Baltimore na inorganisa ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP), na paulit-ulit umanong nakatanggap ang kanyang pamilya ng mga tawag, pagbisita sa kanilang tahanan, at pagtatanong sa kanilang pinagtatrabahuhan mula sa mga tauhan ng FBI at ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila.



Ang kapatid ni Pasion na si Cristina ay dinakip noong Hulyo matapos ang isang operasyon sa pinaghihinalaang taguan ng mga komunista sa Laguna.

Ang sabi ni NTF-ELCAC spokesperson Liza Fidelis Cañada, di na dapat ikagulat ng mga organisasyon ng mga komunista sa Estados Unidos ang ganitong mga hakbang. Kapag ang mga mamamayang Amerikano ay nasangkot sa isang dayuhang organisasyong terorista tulad ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), dapat nilang asahan na maaari silang sumailalim sa pagsisiyasat ng mga pederal na awtoridad.



Paanong di sila iimbestigahan eh tinalaga ng Estados Unidos ang CPP-NPA bilang isang Foreign Terrorist Organization (FTO) noong Agosto 9, 2002. Hiwalay namang itinalaga ng Anti-Terrorism Council ng Pilipinas ang CPP-NPA noong 2020 at ang NDF noong 2021 bilang mga organisasyong terorista sa ilalim ng Republic Act No. 11479.

Sa ilalim ng Section 2339B ng Title 18 ng United States Code, isang pederal na krimen ang sadyang pagbibigay ng materyal na suporta o mga mapagkukunan sa isang organisasyong itinalaga bilang Foreign Terrorist Organization, na may kaakibat na mabibigat na parusang kriminal.



Hindi rin maituturing na nainguso ng NTF-ELCAC ang CPP-NPA-NDF. Eh sa kanilang mga pahayag nanggagaling ang dahilan ng pagsilip ng FBI sa kanilang mga kaalyado na nasa US.

Ika nga, sa sariling nilang mga big galing ang pagkabingwit sa kanila.