Advertisers

Advertisers

Sen. Dela Rosa seryoso sa pagtakbong pangulo, pero handa magwidro para kay Sara…ITAGA NYO SA BATO!

0 245

Advertisers

SERYOSO si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagtakbong Pangulo sa darating na Eleksyon ‘22.

Ito ang binigyang diin ni Dela Rosa sa panayam sa kanya ng radio DZRH nitong Linggo.

“Ipakita ko sa kanila na talagang totohanan ito. Hindi ito biro-biro lang. This is the highest position in the land at hindi ko ito aatrasan. I will do everything I can just to prove to them that I’m sincere sa aking desire to be the president of this republic,” sabi ni Dela Rosa.



Si Dela Rosa, isang retiradong Chief PNP at naging direktor ng Bureau of Correction bago napasok sa politika sa tulong ni Pangulong Rody Duterte, ay nag-file ng Certificate of Candidacy sa pagka-pangulo bago matapos ang deadline noong Oktubre 8, bandang 3:00 ng hapon.

Pagkatapos mag-file ng CoC, sinabi ni Dela Rosa: “Bahala na si Lord”. Nakatanggap daw kasi siya ng instruction kay Pangulong Duterte na mag-file ng CoC para sa pagka-pangulo sa ilalim ng nabiyak na ruling party PDP Laban.

Sinabi ni Dela Rosa na nakahanda naman siyang magwidro kapag nagdesisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ng pangulo, na kumandidatong presidente.

Si Sara ay nag-file ng CoC para sa reelection. Pero maari pa siyang magwidro at mag-substitute kay Dela Rosa bago mag-Nobyembre 15, deadline ng substitution or switching ng mga kandidato.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">