Advertisers
PATAY ang apat na Chinese nationals nang makipagbarilan sa buy bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Glarodia st., Punta Verde Subd., Barangay Pulung Cacutod, Angeles City, Pampanga.
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Director, Brig. General Val De Leon, kinilala ang mga napatay na sina Cai Ya Bing alyas CAI; Erbo Ke-Dec, 34, ng Quanzhou City; Huang Guidong; at Wuyuan Shen, Zhang Zhou, ng Fujian, China.
Sa paunang imbestigasyon ni SSgt Arvie J Mateo, 10:00 ng umaga nitong Lunes nang maganap ang engkwentro sa follow up operation ng mga pulis at PDEA .
Nakuha mula sa mga napaslang ang 38 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P262,200,200.00. At narekober ang 4 caliber .45 baril, 2 Iphone cellphone at 1 weighing scale with charger.
Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. (Thony D. Arcenal/Mark Obleada/Koi Laura)