Advertisers

Advertisers

BONGGA! PACQUIAO NAMAHAGI NG P1K, GOODS SA 7,000 BATANGUEÑO AS ADOPTED SON NG BATANGAS

0 268

Advertisers

BINISITA ni presidential aspirant Senator Manny Pacquio ang vote-rich province ng Batangas at namahagi ng goods at cash aid sa mga residente na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong 2020.

Si Pacquiao na “adopted son” ng Batangas – base sa resolusyong ipinasa ng Provincial Board noong 2019 – ay muling bumalik sa nasabing probinsya upang mamahagi ng relief goods at P1,000 cash sa bawat residente na dumalo ng naturang event noong Huwebes, Oktubre 14.

Pinabulaanan ni Pacquiao na ang kanyang pamamahagi ng tulong ay bahagi na ng kanyang maagang pangangampanya dahil simula palang, aniya, 2002 ay tumutulong na siya sa mga tao.



“Pwede mong masabing vote-buying kung ngayon ko lang ginagawa, pero noon pa yan eh. Habit ko ‘yan eh – bago pa magpandemya at nagdesisyon ako tumakbo. Namimigay na ako ng ganyan mula pa 2002 hanggang ngayon, patuloy akong namimigay ng ayuda…at pabahay,” pahayag ni Pacquiao, sinabing mula sa kanyang bulsa ang ipinamimigay na pera.

Sa isang hiwalay na panayam, ipinaliwanag ng kampo ni Pacquiao na namigay ng cash aid ang senador upang tuparin ang kanyang ipinangako sa mga residente ng Batangas noong Nobyembre 2020. Umabot sa halos 7,000 residente ang dumalo sa naturang event.

“Pacquiao first visited Batangas to distribute relief and extend financial support during the eruption of Taal in January 2020. He followed this up with another relief assistance visit in November 2020 where he promised that he would return after his fight to provide more help,” pahayag ng kampo ni Pacquiao.

Bukod sa pamimigay ng cash at relief goods ay umikot din si Pacquiao sa Batangas. Binisita niya ang kanyang kasamahan sa Senado na si President Pro-Tempore Ralph Recto at House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto noon ding Huwebes.

Kinabukasan, Biyernes, inendorso naman ng mga Recto ang kandida-tura ni Manila Mayor Isko Moreno.



Binisita rin ni Pacquiao ang Lipa Public Market kung saan mainit siyang tinanggap ng mga tao at ang kanyang running mate na si House Deputy Speaker Lito Atienza. Doon ay bumili ang senador ng mga sako ng Barako coffee at ipinakita ng senador ang suporta sa lokal na industriya ng kape.

Nag-courtesy call din ang senador kay Lipa City Mayor Eric Africa gayundin kay Archbishop Gilbert Garcera kung saan ay humingi siya rito ng spiritual guidance.