Advertisers

Advertisers

Covid update: 6,943 bagong kaso; 19,687 gumaling; 86 patay

0 207

Advertisers

NASA 68,832 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, o yaong nagpapagaling pa mula sa karamdaman matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 6,943 bagong kaso nitong Lunes, Oktubre 18.

Ang naturang bilang ay 2.5% na lamang ng total COVID-19 cases sa bansa, na umaabot na ngayon sa 2,727,286 dahil sa karagdagan pang 6,943 bagong COVID-19 cases.

Sa mga aktibong kaso ng sakit, 79.7% ang mild cases, 8.42% ang moderate cases, 5.5% ang asymptomatic, 4.5% ang severe at 1.9% ang kritikal.



Nakapagtala rin naman ang DOH ng 19,687 bagong gumaling sa karamdaman dahilan para umabot na sa 2,617,693 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.0% ng total cases.

Mayroon namang 86 pasyente ang binawian ng buhay sanhi upang umakyat na sa 40,761 ang COVID-19 death toll o 1.49% ng total cases.

Samantala, mayroon pa rin namang 25 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 16 recoveries.

Mayroon ding 30 kaso na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na matuk-lasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">