Advertisers
NASA restrictive custody na ang pulis na sinasabing nagmamantine ng mini-farm o backyard plantation ng marijuana sa bahagi ng San Roque Street, Barangay Pengue Ruyu, Tuguegarao City.
Sumuko sa kanyang mother unit sa Tuguegarao City Police Station makalipas ang 36 hours si Master Sargeant Jaypy Cuarteros, 35 anyos, residente ng Caritan Centro at isang intelligence operative ng nasabing himpilan.
Matatandaang in-operate hapon ng October 9 ng Cagayan PPO at PNP IMEG ang sinasabing mini-farm ni Cuarteros na may ilang puno ng marijuana na naitanim doon.
Sinasabing sa farm ang hang-out ng tropa ni Cuarteros.
In-operate ang nasabing farm base narin sa sumbong ng mga biktima daw ng frame-up sa mga operasyon kung saan kasama si Cuarteros.
Nasamsam sa operasyon ang nasa 24.5161 gramo ng pinatuyo at preskong dahon ng marijuana kasama ang ilang puno ng marijuana na binunot ng raiding team.
Hindi nadatnan sa raid si Cuarteros.