Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,496 bagong kaso; 9,609 gumaling; 211 patay

0 205

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health ng 4,496 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Oktubre 19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 9,609 na gumaling at 211 na pumanaw.

Sa kasalukuyan ang kabuuang kaso na sa bansa ay umabot na sa 2,731,735.



Sa bilang na ito 2,627,126 na ang pangkalahatang gumaling habang 40,972 ang namatay.

Mula pa rin sa kabuuang kaso, bumaba rin ang aktibong kaso na umabot na lamang sa 63,637.
Ang mababang bilang ng kaso ayon sa DOH ay dahil sa mababang laboratory outputs nitong Oktubre 17. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)