Advertisers

Advertisers

Hawaan ng COVID-19 sa NCR 0.55 nalang

0 191

Advertisers

SINABI ng OCTA Research Group nitong Martes na umaabot na lamang sa 0.55 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA, ito na ang pinakamababang reproduction number na naitala sa NCR simula noong Mayo 18, 2021, kung kailan nakapagtala ang rehiyon ng 0.56 na reproduction number, bago tuluyang tumaas muli matapos lamang ang isang linggo.

Ang reproduction number ay yaong bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng COVID-19 at kung mas mababa ito sa 1 ay indikasyong bumabagal ang pagkalat o hawahan ng virus.



Nauna nang iniulat ni David na noong Linggo ang reproduction number sa NCR ay nasa 0.57 habang 0.56 naman nitong Lunes.

Ayon pa kay David, ang kasalukuyang seven-day average sa NCR ay nasa 1,411 na lamang, mula sa dating 1,448.

Matatandaang sinabi ng OCTA na ang lahat ng local government units (LGUs) sa NCR ay nasa ilalim na ngayon ng moderate risk classification sa COVID-19, base sa kanilang metrics.

Sa pagtaya ng naturang grupo ng mga eksperto, kung magpapatuloy ang naturang downward trend ng mga kaso ay aabot na lamang sa 400 hanggang 600 ang maitatalang bagong arawang kaso ng sakit sa Metro Manila hanggang sa Disyembre at 3,000 hanggang 4,000 naman sa buong bansa. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">