Advertisers
NASA kabuuang P15,640,000.00 million halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-IADITG PDEA sa FedEx warehouse sa international Cargo mula sa dalawang parcels mula Malaysia.
Unang nasabat ng mga operatiba ang isang parcel na idineklarang mga damit mula sa nagngangalang Alam Persiaran Dato Menteri ng Shah Alam, Malaysia na naka-consignee kay Edmar Blay ng SJV Blk 10 Lot, 22 Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.
Ang pangalawang parcel naman ay mula sa kaparehong sender na naka-consignee kay Janete Acapulco ng Sta. Clara Mcsor Site sa Batangas.
Natuklasan ng Customs at PDEA ang laman ng dalawang parcels kungsaan nakasilid sa mga damit ang shabu mula Malaysia nang dumaan ito sa x-ray inspection at physical examination ng customs NAIA at PDEA.
Ang mga nasabat na shabu ay pormal ng nai-turn-over ng Customs sa PDEA NAIA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon.(Jojo Sadiwa)