Advertisers

Advertisers

Sen. Bato inupakan si Tulfo sa bigong ‘war on drugs’

0 252

Advertisers

INUPAKAN nitong Martes ni presidential candidate Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang broadcaster at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo matapos tawagin ng huli na bigo ang ‘war on drugs’ ng administrasyon.

“Noon hangang-hanga siya sa drug war. Ngayon failure na. Sino siya para mag-judge na failure ang drug war? Siguro yung mga taong nagsasabi na failure ang drug war, ito yung mga tao na nakatira sa gated community, posh subdivisions, very safe sila sa pamumuhay doon dahil guwardiyado sila,” sabi ni Bato sa panayam ng Headstart ng ANC.

Itinanggi rin niya na walang malaking personalidad na sangkot sa droga ang nahuli ng mga awtoridad.



“Ano pala ang mga Intsik na napatay dyan? Mga mayor na namatay, mga congressman na tinamaan sa war on drugs?” ngitngit ni Bato. “It only goes to show they’re ignorant about the real situation of the drug problem sa Pilipinas.”

Kamakailan ay sinabi ni Tulfo na si President Rody Duterte mismo ang umamin na bigo ang war on drugs. “Definitely a failure, siya (Duterte) mismo umamin niyan kasi sinabi niya in 6 months’ time maso-solve niya na ang problema sa drugs then lately siya mismo umamin na di ko pala kaya, kala ko kaya.”

Sabi ni Tulfo, tututok siya sa rehabilitation ng drug addicts kapag nahalal siyang senador. “Mag-open tayo ng rehabilitation centers…Pag nawala na itong mga addict, na-rehab na sila, then meron yung tinatawag na law of supply and demand. Wala nang nagde-demand, bababa na ang supply.”

Sa panayam, sinabi Dela Rosa na poprotektahan niya ang kanyang sarili at si President Rodrigo Duterte mula sa International Criminal Court kapag nanalo siya sa darating na eleksyon sa sunod na taon.

Sina Dela Rosa at Duterte ay nahaharap sa mga akusasyong ‘crimes against humanity’ sa ICC sa umano’y ‘extrajudicial killings’ kaugnay ng ‘drug war’ at noong alkalde ng Davao City ang huli.



Si Dela Rosa, ang architect ng drug war, ay nagsilbi ring director ng Davao City Police at naging Chief ng Philippine National Police.