Advertisers

Advertisers

Wagas na pag-ibig: Lalaki nagpakasal muna bago nagpa-ospital nang maaksidente

0 259

Advertisers

LEGAZPI – Walang bagyo o mabigat na pagsubok ang makakahadlang para sa taong tunay na nagmamahalan, kahit nagkabali-bali ang buto at katawan dahil sa trahedya bago ang kasal.

Ito ang pinatunayan ng couple mula sa Legazpi City na kahit naaksidente na, tuloy parin ang isinagawang pag-iisang dibdib.

Ikinasal sina Mr. and Mrs. Corea sa Gregorian Mall nitong Martes.



Ayon sa kwento ni Reden Corea ng barangay Pawa, Legazpi City, bago maganap ang kasalan, naaaksidente siya nung gabi bago ang nakatakdang pag-iisang dibdib.

Sakay ng kanyang motorsiklo nang maaksidente ito sa dike ng Barangay Bonga malapit sa lugar ng kanyang napangasawang si Fe Pulong.

Kahit tadtad ng sugat sa katawan na tinamo sa insidente, tinuloy parin sa nasabing mall ang kasalan sa pangunguna rin ni Legazpi City Mayor Noel Rosal ang Mass Civil Wedding.

Samantalang pagkatapos ng kasal saka lamang ito nagpa-ospital para magpa-CT scan at magpagamot ng tinamong sugat.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">