Advertisers

Advertisers

Face-to-face na paglilitis ok na sa SC

0 340

Advertisers

APRUBADO ng Korte Suprema ang face-to-face na paglilitis sa Sandiganbayan, Court of Appeals at Court of Tax Appeals simula ngayong Miyerkules, Oktubre 20.

Kasunod ito ng pagluluwag sa mga quarantine restrictions sa Metro Manila.

Puwedeng magsagawa ng in-court proceedings sa lahat ng appellate collegiate court sa NCR hanggang Oktubre 29, 2021.



“May conduct in-court proceedings on urgent matters and on matters as may be determined by the presiding justice or the chairpersons of the different divisions,” pahayag ng SC.

Limitado lamang sa mga abogado, magkabilang partido at mga testigo ang papayagang makapasok sa korte habang ang iba pa na hindi kinakailangang nasa korte ngunit nais na obserbahan ang paglilitis ay maaaring gawin ito sa pamamagitan ng videoconferencing. (Josephine Patricio)