Advertisers

Advertisers

Lalaki patay sa sarap sa loob ng motel

0 494

Advertisers

Hinihinalang inatake sa puso ang isang lalaki nang matagpuan itong patay sa loob ng motel kasama ang babae sa Cebu city, Martes ng madaling-araw, Oktubre 20.

Ayon kay Police Major Francis Renz Talosig, hepe sa Mabolo Police Station, 2:40 ng madaling araw ng Martes nang matagpuan ang bangkay ng 37-anyos na biktimang hindi pinangalanan sa D’ New Inn sa Barangay Carreta sa North Reclamation Area, Cebu.

Kwento ng roomboy na si Jimmy Apolona, 11:40 ng hapon ng Lunes nag-check-in ang biktima kasama ang isang babae na nasa edad 20.



Dahil ‘short time’ lamang ang kinuha ng biktima, napilitan ng katukin ang silid na kanilang inokupa para sa checkout.

Subali’t walang sumasagot sa loob ng kuwarto kaya sapilitan na silang pumasok at nakita na lamang nila ang biktimang walang saplot na nakahandusay at wala ng buhay.

Hindi na rin naabutan pa ang babae nitong kasama na posibleng natakot sa pangyayari at bigla na lamang umalis.

Naniniwala naman ang mga otoridad na posibleng inatake sa puso ang biktima habang nasa gitna ng pakikipagtalik o hindi kaya uminom ito ng gamot para sa mga lalaki.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">