Advertisers

Advertisers

Marcos panalo sa online poll

0 347

Advertisers

Runaway winner si dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa online poll ng Manila Bulletin para sa mga kandidatong pagkapangulo ng bansa.

Ginawa ng Manila Bulletin ang survey noong Oct. 15 hanggang 17, 2021 sa official website ng dyaryo sa Facebook at Twitter.

Nabatid na mula sa 892,800 respondents, nakakuha si Marcos ng 71% o 635,079 na boto.



Nasa ikalawang puwesto naman s si Vice President Leni Robredo na may 25% o 225,580 na boto.

Nakakuha naman ng tig 4% sina Manila Mayor Isko Moreno, Senators Ronald “Bato” dela Rosa, Emmanuel “Manny” Pacquiao at Panfilo “Ping” Lacson.

Matatandaang nagsagawa rin ng kaparehong online poll ang Rappler kung saan nanguna rin si Marcos matapos makakuha ng 54% kumpara sa 42% na nakuha ni Robredo.