Advertisers
Inaresto ang mister ng nawawalang Pinay sa pagpatay at pagkawala ng biktima nitong Miyerkoles (Manila time) sa San Diego, California.
Kinilala ang inaresto na si si Larry Millette.
Sa ulat, hinuli si Millette sa bahay ng mag-asawa sa Chula Vista sa kasong murder.
Hindi pa nahahanap ang katawan ni May Millette na pinaniniwalaan na pinatay.
Ayon sa pulisya, halos 10 buwan nang nawawala ang biktima nang makipagkita sa isang divorce lawyer noong Enero 7 dahil sa marital problems.
Nitong Hulyo, pinangalanan ng mga pulis na “person of interest” si Larry dahil sa pagkawala ng kaniyang misis.
May 3 anak ang mag-asawa na nagsama ng higit 20 taon.