Advertisers
CEBU CITY – Sa kulungan ang bagsak ng 27-anyos ng High-Value Individual sa Cebu City sa ikinasang buybust operation ng Cebu City Drug Enforcement Unit noong Martes ng gabi.
Kinalala ang suspek na si Edravine Zapanta Bauri alyas Edrak, walang trabaho at residente ng Brgy. Basak San Nicolas sa nasabing lungsod.
Sa ulat, umabot sa P2.2 million ang halaga ng nakuhang shabu galing sa suspek.
Ayon sa report, isang ex-convict si Bauri na kaparehong kaso.
Samantalang, aabot sa 335 gramo ang timbang ng shabu at nakuha rin ang P13,000 nga buybust money.