Advertisers
NALIGTAS ng tropa ng Marine Battalion Landing Team-3 (MBLT-3) ng Philippine Marines ang 14-taon gulang na child soldier na binuntis ng kaniyang New People’s Army (NPA) commander.
Ang nagdadalang-tao na dalagita ay kasama ng kaniyang 16-taon gulang na babaeng kapatid na child soldier din at isa pang NPA member nang maaresto sila sa Sitio Karatong, Barangay Tinitian, Roxas, Palawan.
Ayon kay Colonel Jimmy D. Larida, commander ng 3rd Marine Brigade, nakatanggap sila ng sumbong kaugnay sa recruitment at extortion activities ng NPA sa kanilang komunidad.
Sa pagresponde ng MBLT-3, nadiskubre ang kampo ng mga terorista at naabutan ang tatlo na mahimbing na natutulog kaya mapayapang naisailalim sa kustodiya ang mga ito.
Narekober sa tatlo ang isang M14 rifle, shotgun, cellular phone, assorted ammunitions.