Advertisers

Advertisers

Akyat bahay sumalakay uli sa Laguna: Isa pang lola kinatay

0 380

Advertisers

LAGUNA – Muling sumalakay ang notoryos na ‘Akyat Bahay’ sa Barangay Mamatid, Cabuyao City. Isa uling 62-anyos na lola ang pinatay nito Miyerkules ng hapon.

Sa ulat ni Lt. Colonel Brigido Salisi, hepe ng Cabuyao City PNP, kay Acting Laguna PNP Provincial Director Col. Rogarth Campo, ang biktima ay kinilalang si Primitiva Emboltorio, negosyante, naninirahan sa nasabing barangay.

Sa report ng pulisya, bandang 5:00 ng hapon nang madiskubre ni Cherry Emboltorio ang nakahandusay na bangkay ng kanyang ina sa loob ng kuwarto nito.



Ang bangkay ay naliligo sa sariling dugo, may saksak sa katawan at may malaking sugat sa ulo, na hinihinalang pinalo pa ng matigas na bagay na agad nitong ikinamatay.

Sa resulta ng pagsisiyasat ng mga kagawad ng Scene of Crime Operatives (SOCO), lumilitaw na hinalughog at tinangay ng mga salarin ang P5 libong cash, alkansiya at hindi pa mabatid na personal na kagamitan ng biktima.

Matatatandaang halos anim na araw pa lamang ang nakakaraan nang maganap ang kahalintulad din na insidente sa nabanggit na lugar, kungsaan pinatay ang lolang negosyante na si Angelina Cruz Villarico matapos pagnakawan at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Dahil dito, naaalarma ang mga residente sa lugar sa magkasunod na insidente ng akyat-bahay at pagpatay sa biktima. Ipinagpalagay na mga sabog sa ipinagbabawal na gamot ang mga salarin.(DICK GARAY)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">