Advertisers

Advertisers

Call center agent ‘sideline’ ang pagtutulak ng ‘tsongki’

0 291

Advertisers

TIMBOG ang isang ‘call center agent’ habang sakay ito ng kanyang motorsiklo nang makuhanan ng 250 gramo ng marijuana sa Pasig City.

Kinilala ni Colonel Benjie Antimado, hepe ng Sub-Station 4 ng Pasig City PNP, ang naaresto na si Christian Dale Ranario, 24 anyos, call center agent, at nakatira sa 15 G. Bunyi St., Barangay Buting sa lungsod.

Sa ulat, 9:15 ng gabi ng Miyerkoles, nang maaresto ang suspek ni Cpl. Jomar Banaag sa simultaneous operation.



Nakuha kay Ranario ang isang (1) pack ng dried marijuana na 250 grams at isang matte blue Mio motorcycle na may plakang 547-TZD. (Edwin Moreno)