Advertisers

Advertisers

Covid update: 4,806 bagong kaso; 5,934 gumaling; 260 patay

0 236

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 4,806 mga bagong kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Oktubre 21.

Batay sa case bulletin #586 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,740,111 ang total COVID-19 cases sa bansa kung saan nasa 2.4% na lamang o 65,835 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa.

Sa mga aktibong kaso naman, 78.7% ang mild cases, 8.53% ang moderate, 6.2% ang asymptomatic, 4.6% ang severe at 2.0% ang kritikal.



Samantala nakapagtala naman ng 5,934 bagong gumaling kaya nasa 2,633,039 na ang total COVID-19 recoveries o 96.1% ng total cases.

Mayroon namang 260 pasyente na binawian ng buhay kaya nasa 41,237 na ang kabuuang COVID-19 death toll o 1.50% ng total cases.

Samantala, iniulat din ng DOH na mayroong 64 duplicates ang inalis ng DOH sa total case count, kabilang dito ang 51 recoveries.

Mayroon ding 175 pasyente na unang tinukoy bilang recoveries ang malaunan ay nireklasipika matapos na matuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon.

Anang DOH, sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Oktubre 19, 2021 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">