Advertisers

Advertisers

Drug den buking: 6 Adik, arestado

0 230

Advertisers

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bataan 2nd Mobile Force Company ang 6 na kalalakihan na sangkot sa paggamit sa illegal na droga sa isang drug den sa Brgy. Cabcaben sa bayan ng Mariveles sa lalawigan ng Bataan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Bernard Andallo y Diaz alyas Nano, 28; Eddie Antiquerra y Deaño, 30; John Dynver Icamen y Gumera, 20; Jonard Muña y Trinidad, 18; Francisco Mayor y Escaño, 37; at Ace Andallo y Dela Cruz, 20 anyos, ng Brgy. Cabcaben.

Sa report na tinanggap ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, 11:00 ng gabi nang Oktubre 20 2021 ng masukol ang mga suspek sa naturang drug den.



Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng Republic act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)