Advertisers
Napuna ng mga residente ng M’lang, North Cotabato ang kakaibang cloud formation nitong Miyerkoles ng tanghali, October 20.
Isa itong uri ng photometeor na maihahalintulad ang kulay sa nakikita sa bula ng sabon at langis sa ibabaw ng tubig.
Marami namang namangha sa mga nakakita at ang mga netizens ds Mlang, North Cotabato at agad na nag-post ng kanya-kanyang larawan na ganito sa kanilang Facebook.
Ang kakaibang meteorological phenomenon na ito, tinatawag na cloud iridescence o irisation.
Isa itong optical phenomenon na lumilitaw tuwing magkalapit ang distansiya ng araw at buwan.
=====
(adik)
Drug den buking: 6 Adik, arestado
Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bataan 2nd Mobile Force Company ang 6 na kalalakihan na sangkot sa paggamit sa illegal na droga sa isang drug den sa Brgy. Cabcaben sa bayan ng Mariveles sa lalawigan ng Bataan.
Kinilala ang mga nadakip na sina Bernard Andallo y Diaz alyas Nano, 28; Eddie Antiquerra y Deaño, 30; John Dynver Icamen y Gumera, 20; Jonard Muña y Trinidad, 18; Francisco Mayor y Escaño, 37; at Ace Andallo y Dela Cruz, 20 anyos, ng Brgy. Cabcaben.
Sa report na tinanggap ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, 11:00 ng gabi nang Oktubre 20 2021 ng masukol ang mga suspek sa naturang drug den.
Nakumpiska sa mga suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000.00 at buy bust money.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng Republic act 9165 ang isasampa laban sa mga suspek.(Thony D. Arcenal)