Advertisers

Advertisers

Pagtugis kina Sen. Bato at Roque walang tigil – DILG

0 2

Advertisers

NANINDIGAN si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na hindi tumitigil ang gobyerno para maaresto sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Sinabi nito na hindi tumitigil ang pulisya para matuntun ang kinaroroonan ni Dela Rosa.
May ilang stratehiya na, aniya, silang ginagawa upang mapabilis ang manhunt operations.
Huling nakita ang Senador Mayo 13 nang dumalo sa session bago itakas ni Sen. Robin Padilla Mayo 14 ng umaga.
Hinahanap si Dela Rosa matapos maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) sa kasong ‘Crimes against humanity’ na may kaugnayan sa brutal na war-on-drugs noong panahon ni dating Rodrigo Duterte.
Si Duterte ay nakakulong na sa ICC facility sa Netherlands.
Habang si Roque ay pinaghahanap ng korte ng Angeles City, Pampanga dahil sa kasong human trafficking na may kinalaman sa pagkakasangkot niya sa Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo).
Ayon kay Remulla, maari na nilang kunin si Roque sa Austria matapos na ibasura ang aplikasyon nito sa asylum.