Advertisers
HUMINGI ng tulong sa Central Office ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang tiyahin ng 14-anyos na , na umano’y ginahasa ng tatlong beses ng isang pulis ng District Mobile Force Batallion ng Nueva Ecija.
Ayon kay alias “Inday”, tiyahin ng biktima, nagka-kilala ang biktima at ang pulis sa kaniyang trabaho, at nagpakilala na binata kahit may anak at asawa na ito.
Pinangakuan umano ng pulis ang biktima ng kung ano-ano hanggang sa naging magkasintahan na noong Abril.
Unang beses umanong nangyari ang panggagahasa May 7 sa La Union habang lasing ang pulis.
Nasundan pa ito ng May 10 at June 5 sa San Antonio, Nueva Ecija.
Sa kwento ng tiyahin ng biktima, nalaman niya na may relasyon na ang biktima at ang pulis nang paulit-ulit tumawag ang pulis sa social media account ng biktima na naka-log in sa cellphone ng tiyahin. Nabasa rin ng tiyahin ang pag-uusap ng dalawa.
Dagdag pa rito, nakatanggap din ng text messages ang tiyahin ng biktima mula sa asawa ng pulis na humihingi ng tawad at kalauna’y naging pananakot na.
Ayon kay Police Colonel Marlon Santos, Senior Police Assisstant, na-relieve na ang pulis sa pwesto at naghain narin ng kasong statutory rape ang San Antonio Police Station laban sa naturang pulis July 1.
Samantala, nangako si Napolcom Commissioner Ralph Calinisan na maglalabas sila ng preventive suspension laban sa nasabing pulis na epektibo noong Miyerkules, July 22.