Advertisers

Advertisers

Respect begets respect – Magbigay galang ka at igagalang ka

0 3

Advertisers

Kahit sino ka man, ano at saan ka mang katatayuan sa buhay nuon at ngayon, ang paggalang ay dapat nasa sarili mong BAIT .. nasa kabuuan ng iyong pagkatao! Ang pagbibigay galang ay kaunaunahang aral na galing sa turo ng iyong mga magulang mula sa iyong pagkabata hanggang ngayon.

Kagalang-galang at onorableng tignan ang mga MAMBABATAS na naka-barong Tagalog o kaya’y Americana kuntodo kurbata at buhok na di kayang paliparin ng hangin kahit ilang bagyo pa ang sasalagin. Mahusay na pananalita na alalaumbaga’y ang mga katagang lumalabas sa bunganga ay may kaakibat na kapangyarihan…isang pansamantalang pribilehiyong gawad ng mamamayang PILIPINO na nagluklok sa kanya sa posisyon niya ngayon. Kagalang-galang o onorable, depend yan sa asal o ipinapakita o “demeanor” ng isang halal na MAMBABATAS sa isang pagtitipon o pagpupulong.

Katatapos ng ika-9 na pagdinig ng Sara Duterte Impeachment Trial na nasa ikatlong linggo ng Hulyo taong ito. Nasa pagsasara na ang unang Article on Betrayal of Public Trust ( Grave Threat on the life of the President, First Lady and former Spkr of the HoR). May tatlo pang artikulong tatalayin sa darating pang mga araw o buwan, depende sa ibibilis ng proseso ayon sa tagapagsalita ng Prosecution Team na si Atty Tolosa.

Ngunit isang katawa-tawang pangyayari (one for the books of a curious Pinoy) ang naganap nitong huling pagdinig: Si ginoong Robinhood Padilla na kilalang kaalyado ng nasasakdal na si binibing Sara Duterte Carpio ay naringgang humihiling na dapat daw ay NEUTRAL ang bawat panig sa kanilang pagbabalangkas sa pagdinig ng naturang ng kasong pagbabanta sa buhay ng Pangulo – – nababalot sa 4 na artikulong inihain ng Congress laban sa ikalawang pangulo ng bansa.

Naringgan at nakita on national TV at live streaming ng mga internet apps na nakatutok sa Impeachment Trial ang mga sinambit pa ng kaalyadong ito ng mga Duterte. Kesyo dapat igalang ang kapulongan at ito ay Senado, kesyo “wala kayong karapatang magtanong (sa senador na nakasalang)” at meron pang ibang di karapatdapat na sambitin ng isang delegadong halal daw ng 32 milyong botante.

Tutuong ang igalang ka ng iyong kapwa ay may karampatang paggalang mula sa iyo…respect begets respect. Ang pagyurak sa katauhan ng isang kapwa mo MAMBABATAS sa harap ng kapulungan o pagdinig ay HINDI KATANGGAPTANGGAP NA ASAL SAAN MANG LUPALOP KA NAROON!