Advertisers

Advertisers

ShowMy Ambulant Cart Livelihood para sa taga-Tondo, ipinamahagi na

0 5

Advertisers

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso, kasama sina Vice Mayor Chi Atienza, Councilor Jhun Ibay at Councilor Awi Sia, ang turn-over ceremony para sa sampung benepisyaryo mula sa Tondo na tumanggap ng ShowMy Action Ambulant Cart, isang livelihood program ng konsehal.



May sukat na 170 cm. ang taas, 45 cm. ang lapad, at 60 cm. ang haba, ang ambulant cart ay idinisenyo upang maaari rin itong ilagay kahit sa loob ng bahay.

Kasama rin sa ipinamahaging livelihood package ang siomai at kalan na gagamitin ng mga benepisyaryo sa kanilang pagkakakitaan.



Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Isko sa pribadong sektor na patuloy na nagbibigay ng suporta at nakikiisa sa mga programang naglalayong makatulong sa kabuhayan ng mga Manileño, partikular sa mga pamilyang nangangailangan ng dagdag na pagkakakitaan.

Paalala ng alkalde sa mga benepisyaryo: “Sa paghahanapbuhay naman sa kalsada, ito ay hindi natin pwedeng ipagpariwara. Hindi bale tayong mahirap, hindi naman kailangang maging dugyot.” (BONG SON)