Advertisers
HABANG abala ang mga kruk na pulitiko sa bansa sa pandedekwat at pambubulsa ng cuarta ng bayan na nagdulot ng delubyo ng kalamidad sa mamamayan, may isang personahe na abala naman sa pamamamahagi ng tulong sa mga kababayang apektado ng krisis na hindi isang natural pero isang man made(kulimbat) disaster dahil sa ghost flood control project.
Ang tanyag na humanitarian champ at social media influencer na si FLM ay napasaya ang malungkot nating Kabalen na nilubog ng tubig baha at inanod na pag-asa sa kabuhayan nila sa Pampanga.
Bultu- bultong sako ng bigas at iba pang items na essential sa madaliang pangangailangan ng mga Capampangan ang nabiyayaan ng kabutihan ni FRANCIS LEO ‘ MAYAMAN’ CHALLENGE’ANTONIO MARCOS de hum honoris causa PhD.
Ang pamamahagi ng tulong ni FLM ay katuwang niya sina showbiz personality Rez Cortez at crews ng Probinsiyano.
Hindi na pansin ni Pandemic Hero kung may mga kontrabida mang salungat pa kahit tumutulong na siya sa mga tao.
Tuloy lang ang makataong gawain ni FLM. It’s better to give than to receive.
Mga Tarlaquenos susunod na kayo sa biyaya ni FLM… ABANGAN!
***
GILAS PILIPINAS EMBARRASSED!
MARAMI nang nakober na SEAGames, Asian Games at iba pang international games ang Uppercut, pawang respektable ang naging kampanya ng Gilas Pilipinas men’ s basketball team.
Tinampukan ito ng kampeonato ng Gilas noong SEAGames sa Cambodia at noong Asian Games sa Hangzhou ,China kung saan ay tinalo ng Gilas ang China sa semis upang ma-eliminate ang mga nag-iyakang Intsik sa kanilang pagkatalsik sa titulo sa kanilang teritoryo.
Kumpleto rekado ang Gilas noon sa pangunguna nina Justine BrownleeJunemar Fajardo,Scottie Thompson,Dwight Ramos ,Japeth Aguilar at iba pa.
Shocked ang mga Intsik kaya tinandaan nila iyon at pinaghandaan nila ang kanilang resbak.
Ang nakapagtataka, alam na ng ating mga basketball officials ang paghihigante ng higanteng China.
Bakit hilaw ang pinadalang Gilas sa Nagoya Asian Games sa Japan?
Kulang sa height, walang tunay na shooters, kapos sa speed at taktika.
Noong 2 beses silang ibaon ng Korea sa friendly games ay masama nang senyales na nagpagrabe pa ng talunin ang Gilas ng lowly Bahrain sa unang bakbakan nito sa Asiad ’26.
Nasaktan ang Kazakhstan sa pagbalikwas ng Gilas pero dumating ang sandali ng paniningil ng mga Tsekwa sa Brownlee-less Gilas.
Imagine, kahit na rumesbak ang China ay malaki pa rin ang tsansa ng Pinas na umentra sa quarters basta wag lng matambakan ng 37 puntos ayon sa quotient.
Biruin mo hinarap nila ang China para di manalo kundi wag lang matambakan .
Matindi talaga ang galit ng mga Intsik, no mercy ‘ika nga.
Ibinaon ng higit 40 puntos ang embarassed at kulang sa racados na Gilas.Hayun ,talsik agad ang mga Pinoy5.
Ang nangyayari ngayon turuan at sisihan.Sino ang mananagot sa kapalpakan? ABANGAN!