Advertisers
INILAGAY sa infirmary ng Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas si dating House Speaker Martin Romualdez matapos siyang ilipat sa pasilidad Lunes ng gabi, Setyembre 14, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ng BJMP na isinailalim si Romualdez sa infirmary kasama ng iba pang persons deprived of liberty (PDLs) na nangangailangan din ng medical monitoring dahil sa kanyang medical needs at mga rekomendasyong iniharap sa Sandiganbayan.
Ayon sa ahensya, alinsunod ang naturang arrangement sa BJMP policies at direktiba ng korte upang matiyak ang patuloy na pag-monitor sa kanyang kalusugan.
Tiniyak din ng BJMP na pantay at makatao ang pagtrato sa lahat ng PDL at walang ibinibigay na espesyal na pribilehiyo batay sa katayuan o posisyon.
Dumating si Romualdez sa QC Jail 10:49 ng gabi mula sa Philippine General Hospital, matapos iutos ng Sandiganbayan Third Division ang kanyang commitment sa naturang detention facility.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder kaugnay ng umano’y kickbacks mula sa mga government infrastructure project. Itinakda ang kanyang arraignment at pre-trial sa Setyembre 16, alas-8:30 ng umaga.
Iginiit ni Romualdez na wala siyang kasalanan sa mga paratang laban sa kanya. (Boy Celario/Mark Obleada)
@@@
DILG inilabas mugshot ni Romualdez
INILABAS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes ang mugshot ni dating House Speaker Martin Romualdez matapos sumailalim sa booking procedures ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ito ay kasunod ng paglipat kay Romualdez sa Quezon City Jail Lunes ng gabi, Setyembre 14, matapos ang maikling confinement sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon sa DILG, na-commit ang dating Speaker 10:49 ng gabi sa infirmary ward kasama ang tatlo pang persons deprived of liberty (PDL).