Advertisers

Advertisers

Rep. Cendaña kinasuhan higit 30 DDS vloggers

0 3

Advertisers

NAUBOS na ang pasensya ni Akbayan party-list Representative Perci Cendaña kaya naghain ito ng kaso sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga DDS vlogger dahil sa pambabastos ng mga ito sa kanyang itsura na dulot ng stroke.
Kasama ang Persons with Disabilities (PWD) advocates, nagtungo ang mambabatas sa tanggapan ng NBI para pormal na sampahan ng kasong paglabag sa of Magna Carta of Disabled Persons, Safe Spaces Act ang nasa higit 30 DDS vloggers
Umaabot sa 30 online accounts ang inireklamo ng mambabatas kabilang ang mga online influencer na sina Cho Moreno, MP Miko Pogay at Kiffy Chu.
“This is not simply about the attacks against me. Sa dulo, ito ay tungkol sa pagtrato natin sa persons with disabilities. No space or platform, online or offline, should ever be a venue to mock, humiliate, and dehumanize PWDs,” ani Cendaña.
Nitong mga nakaraang mga buwan ay wala aniyang tigil ang pag-atake sa kaniyang itsura sa online media na hindi na niya mapalagpas. Kaya nagsampa na siya ng kaso, hindi para sa kanyang sarili lamang kundi sa iba pang PWDs na biktima ng online bully, harassment at diskriminasyon.
Sa ilalim ng naturang batas, kailangang protektahan ang mga PWD sa panghahamak sa kanilang itsura o kalagayan.