Advertisers
Namahagi ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa pangunguna ni Mayor Edwin L. Olivarez ng cash assistance, libreng bigas, at iba pang serbisyo sa libu-libong residente sa Parañaque bilang pakikiisa sa nationwide caravan na “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” sa pagdiriwang ng ika-69 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Libu-libong residente sa Parañaque ang napagkalooban noong Lunes, Setyembre 14, ng libreng bigas at cash assistance, handog serbisyong pangkalusugan, at iba pang programa sa ilalim ng “Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat” nang sabay-sabay na idinaos sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 2,000 residente na nakatanggap ng tig-P2,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at 2,375 PWDs naman ang nakatanggap ng tig-P3,000 sa Barangay San Dionisio.
Nasa 3,615 PWDs, mangingisda, social pensioners, at solo parents sa San Dionisio ang nakatanggap ng tig-10 kilo ng bigas sa ilalim ng ikaapat na yugto ng libreng bigas program.
36 naman na pamilyang walang permanenteng tirahan ang benepisyaryo ng Multi-riverside social housing project ng National Housing Authority sa Barangay Sto Niño ang nakatanggap ng Certificates of Lot Assignment.
Ang tulong pangkalusugan ay pinalawig din sa pamamagitan ng programang PhilHealth YAKAP, na nagsilbi sa 350 mag-aaral at guro mula sa Parañaque City College at humigit-kumulang 2,000 parolees.
Maraming residente din sa lungsod ang nagkaroon ng access sa mga libreng legal na konsultasyon, abot-kayang mga produkto sa pamamagitan ng President’s Kadiwa, at libreng sakay.
Ang serbisyo ng beterinaryo ng lungsod ay nagbibigay din ng libreng serbisyo tulad ng pagbabakuna laban sa rabies, deworming, at micro-chipping sa 100 alagang aso at pusa.
Ang mga libreng serbisyo ay ginanap sa Parañaque Coliseum, Parañaque City College, Barangay Don Bosco Gym, Parañaque City Sports Complex, Ayala Malls Manila Bay, Sucat Road, at sa lumang Barangay San Dionisio Gym.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com