Advertisers

Advertisers

PASAHERO SA NAIA NA PATUNGONG HONG KONG, INARESTO DAHIL SA “BOMB JOKE”

0 10

Advertisers

ISANG papaalis na pasaherong Filipino na patungong Hong Kong ang inaresto ng pulisya kasunod ng umano’y insidente ng ‘bomb joke’ sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Martes, Nobyembre 10, 2026.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap habang ang isang airline passenger service agent ay nagpapaliwanag ng mga paghihigpit sa mga dangerous goods at electronic devices kung saan isang 50 anyos na pasaherong lalaki ang nagbiro at nagsalita ng “Bomba, may bomba ‘yan,” na nagdulot ng alarma at pagkabalisa sa mga airline personnel.

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga rumespondeng tauhan ng PNP Aviation Security Group at nakipag-ugnayan sa Explosive Ordnance Disposal (EOD) team.



Ininspeksyon ang bagahe ng pasahero , at paligid ng check-in counter hanggang idineklara na walang mga pampasabog at incendiary materials sa lugar. Ang pasahero ay inaresto at dinala sa NAIA Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon.

Inihahanda ng PNP AVSEGROUP ang nararapat na reklamong kriminal para sa umano’y paglabag sa Presidential Decree No. 1727 (Anti-Bomb Joke Law), kaugnay ng Article 287 ng Revised Penal Code (Unjust Vexation). (JOJO SADIWA)