Advertisers

Advertisers

Dahas sa dahas sa “butaw”!

0 16

Advertisers

DOTr Sec. Vince Dizon, PDGen. Jose Melencio Nartatez Jr. at NAPOLCOM Com. Ralph Calinisan

MALAMANG na mauwi sa dahas sa pagitan ng mga driver at mga operator ng mga passenger bus at van kontra sa ilang mga pulis, goons at iba pang awtoridad na sangkot sa tong collection sa mga terminal sa Batangas at ibang panig ng Luzon.



“Lahat ng tumatanggap ng kotong, kapag nalaman namin, tatanggalin namin sila sa serbisyo. In the same way na inuubos natin ang lahat ng tiwaling pulis,” ang babala kamakailan ni NAPOLCOM Commissioner Calinisan.

Sinabi naman ni DOTr Sec. Vince Dizon na poprotektahan nito ang hanapbuhay ng mga tsuper kasabay ng pananagutin ang mga bus firm na naniningil ng sobra sa itinakda ng batas.



Patuloy naman ang babala ni PDGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na walang puwang sa hanay ng PNP ang mga tiwaling opisyales at miyembro nito lalo na ang mga kunsintidor at protektor ng mga ilegalista.

Mananatiling hungkag na pangako lamang ito kung hindi aaksyunan ng mga naturang opisyales ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malawakang pangingikil ng protection money na kilala sa tawag na “butaw” na talamak sa CALABARZON lalo na sa Batangas.



Pinakatalamak ang “butaw” collection sa mga passenger terminal sa Batangas City Grand Terminal, Diversion Road, Brgy. Alangilan; Port of Batangas City, Brgy. Sta Clara; Pure Gold Parking Area, Brgy. Calicanto pawang sa Batangas City at SM Parking Area sa Lipa City.

Tatlong miyembro ng Batangas City Police Office ang tinutukoy na kaporal sa pangongolekta ng “butaw” na tig Php800 sa kada biyahe ng mga passenger van at bus sa mga naturang terminal.

Sa SM Lipa City, ay kinilala ang grupo ng isang alyas Dijan ang responsable sa ilegal na pangongolekta ng tig Php800 na “butaw” sa bawat biyahe ng mga bus, van at jeepney.

Bukod sa Batangas ay may tong o Php800 “butaw” collection din sa mga bumibiyaheng van at bus sa Laguna, Cavite, Quezon at Rizal. Milyones ang halaga ng nakukulimbat na “butaw” araw-araw sa buong rehiyon.

Ang halagang Php800 na kabawasan sa kinikita ng mga driver na naibubulsa ng grupo ng tong/butaw kolektor ay malaking pilay sa kanilang kabuhayan.

Maraming mga driver ang napipilitang bumili ng baril o tapatan na ng “dahas laban sa dahas” ang mga police tong collector, ex-convict at goons na nanggigipit sa kanila. Di maglalaon ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng patayan sa pagitan ng mga driver at mga police scalawag sa mga naturang bus terminal.

Nauna nang nanawagan ang mga apektadong operator at driver ng bus at van na sibakin sa kanilang pwesto ang tatlong miyembro ng Batangas City Police Office na pasimuno sa “butaw” collection sa mga terminal sa naturang siyudad.

Gayunman, walang aksyon laban dito sina PNP Acting Region 4A Dir. BGen. Dominic Baccay, Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora at Batangas City Police Chief Lt. Col. Ira Morello? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144