Advertisers

Advertisers

Bank records at AMLC docs aprub sa Impeach Sara

0 8

Advertisers

MUKHANG walang kalusot-lusot si Vice President Sara Duterte sa impeachment laban sa kanya.

Oo! Sa isang mahalagang pag-usad ng impeachment trial laban kay Sara, opisyal nang tinanggap ng Senate Impeachment Court ang mga rekord sa bangko at mga dokumento mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) bilang bahagi ng ebidensya ng prosekusyon. Araguy!!!

Inaasahang magiging kritikal ang mga naturang dokumento sa pakay ng prosekusyon na patunayan ang mga akusasyon hinggil sa mga transaksyong pinansyal, idineklarang ari-arian, at sinasabing hindi maipaliwanag na yaman ng Bise Presidente.



Ang pagtanggap sa mga rekord na ito ay itinuturing na isang pangunahing kaganapan sa pagdinig habang sinisikap ng mga prosekyutor na ipakita ang mga hindi pagtutugma sa mga opisyal na deklarasyong pinansyal ni Duterte. End of the road for Sara.

Gayunpaman, binigyang-linaw na ang pagtanggap sa ebidensya ay hindi awtomatikong nagpapatunay ng anumang pagkakasala, at may pagkakataon parin ang panig ng depensa upang kuwestiyunin ang nilalaman at kahalagahan ng mga naturang dokumento.



Ang problema: Puros sablay ang mga testigo ng Defense Team ni Sara. Mga nagkakalat. “Funny!”, sabi ni Presiding Officer Senator-Judge Chiz Ecudero.

***



Ibinahagi ni Defense Counsel Atty. Lindol Bacquel ang kanyang objection sa tanong ni House Prosecutor Atty. Jay Tolosa sa City Assessor ng Island Garden City of Samal na si Engr. John Kenneth Enumerables dahil sa haba nito.

“Ang pinapaulit ko ho sa inyo ‘yung sinagot niyo ho kanina kasi sinabi niyo hindi kayo tiyak, hindi kayo certain kung ‘yung property na nakadeklara sa isang TCT na pinag-uusapan natin ay nasa SALN. Ang sabi niyo hindi kayo tiyak, ngayon gusto ko lang ho maging maliwanag itong property covered by this first title that was mentioned and then cancelled, transferred to another title under the name of Mister Carpio Manases and then also covered by tax declarations that you’ve mentioned para maliwanag ito ho’yung sinasabi niyo na hindi kayo tiyak na nasa SALN ng bise presidente. Tama ho?” tanong ni Tolosa.

“Your Honor, the question is long Your Honor,” tugon ni Atty. Bacquel.

Hahaha!!!

Hinayaan naman ni Presiding Officer Chiz Escudero ang witness na masagot si Tolosa, na nasagot naman niya ng maayos.

Minsan naitatanong ko sarili ko: Paano kaya sila naging abogado?

Ang kekenkoy!

***

Nagkakasibakan na naman sa DPWH. Sa Romblon kaya kailan masisibak ang masisibang engineer?

Imbestigahan!