Advertisers
HINDI nangangahulugan na ang 90-day preventive suspension na ipinataw ng Sandiganbayan laban kay dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay guilty na ito sa kinasasangkutan niyang kasong plunder kaugnay ng kontrobersya hinggil sa flood control scam.
Ito ang ginawang paglilinaw ng legal counsel ni Romualdez kung saan kailangan pa itong mapatunayan sa isinasagawang paglilitis ukol sa kanyang partisipasyon at pagtanggap diumano ng kickbacks kaugnay ng nabanggit na kontrobersiya.
Ipinaliwanang ni Atty. Ade Fajardo, legal counsel ni Romualdez na ang November 10 resolution ay nagdedetermina lamang ng criminal Information kung saan ito aniya ay mandatory sa ilalim ng batas hinggil sa pagpataw ng 90-day preventive suspension at sa usapin na rin ukol sa ligalidad.
“The court has not found Martin guilty of plunder. It has not established that he received a single peso in illegal commissions or kickbacks,” saad ni Atty. Fajardo.
Binigyan diin ni Fajardo na nakasaad sa resolution ng Sandiganbayan Third Division kung saan malinaw na binabanggit dito na ang partisipasyon at ang pagtanggap diumano ng kickbacks ni dating Speaker ay kinakailangan pang mapatunayan sa panahon ng isinasagawang paglilitis.
“ This are matters to be threshed out and established during trials and that the court’s ruling on the validity of the Information should not be mistaken for proof of the accusations. An allegation is not evidence. A valid Information is not a conviction. The prosecution must still prove its case beyond reasonable doubt,” diin ni Fajardo.
Ipinunto pa ng depensa na si Romualdez ay kasalukuyang nakapiit sa New Quezon City Jail male dormitory ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) at hindi na rin nito nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang mambabatas.
Nirerespeto rin ng kampo ni Romualdez ang ginawang pagpapasya ng korte habang patuloy pang pinag-aaralan ang ilang legal remedies at upang patunayan ang pagiging inosente sa kaso ng dating Speaker.
“Hindi hatol ng pagkakasala ang suspension. Mismong korte ang nagsabing kailangan pang patunayan ang mga paratang. Hindi sapat ang akusasyon—kailangan ng ebidensya,” dagdag ni Fajardo. (Henry Padilla)