Advertisers

Advertisers

SPEAKER BOGIE DY, PINURI NG SENIOR CITIZENS PARTYLIST

0 26

Advertisers

MARIING pinapurihan ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes ang liderato ni House Speaker Faustino “Bogie” Dy III sa pagsusumikap nitong maipasa ang 654 legislative measures kabilang ang 448 bills sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara.

Bukod pa rito ang ginawang pag aksyon ng Kongreso sa 32 mula sa 61 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measures.



Sa pahayag ni Cong. Ordanes na siyang tumayong guest of honor nitong Lunes, Nobyembre 9, 2026 sa ginanap na flag raising ceremony sa Kamara, mariing pinasalamatan ng kongresista si Speaker Dy gayundin ang mga miyembro, secretariat officials at employees sa pangunguna ni Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil sa ibinuhos na dedikasyon at di matatawarang kontribusyon sa pagganap ng kanilang tungkulin sa institusyon.

Ito ay kasunod ng muling pagbabalik ng sesyon sa Kamara kung saan muling nagpahayag si Cong. Ordanes ng panibagong pangako ng cooperation at accountability sa pagbibigay ng mga makabuluhang batas para sa sambayanang Pilipino.



Aniya, kinikilala ng Senior Citizens Partylist ang matagumpay na legislative accomplishments ng liderato ng Kamara kung kayat makakaasa si Speaker Dy ng patuloy na suporta sa pagsusumikap nitong iangat ang kapakanan ng mamamayan.

“Ang aking taos pusong pasasalamat at pag hanga sa liderato ni Speaker Bogie Dy at Sec Gen Cheloy Garafil sa pagpupursige na maisakatuparan ang mga angkop na panukalang batas para sa ating mga kababayan,” saad pa ni Cong. Ordanes.