Advertisers

Advertisers

BAKIT KAILANGANG “PALITAN”

0 12

Advertisers

“NATATARANTA” ngayon ang ating mga negosyante at lahat ng ‘stakeholders’ sa pantalan dahil mukhang “magkakatotoo” ang “siyete” ni Kuya Mon Tulfo sa kanyang ‘socmed page’ na papalitan si Customs Commissioner Ariel. F. Nepomuceno.

May dahilan naman siyempre ang ‘Business Sector’ na maalarma dahil sadya namang napakaraming nagawa ni Comm. Ariel sa BOC kahit higit isang taon pa lang siya sa puwesto.

Aber, sa dami ng naging pagkilala at papuri na ibinigay sa kanya ng ating mga negosyante, kasama na ang ating mga OFWs, kailangang “tibagin” ang mga dingding sa kanyang bahay o magpagawa siya ng ‘extension’ para lang maisabit ang lahat ng mga ito.



At alam natin na binigyan siya ng mga pagkilala at parangal hindi para lang “sumipsip” sa kanya, bagkus, dahil totoo, naramdaman at pinakikinabangan ng halos lahat ng sektor ang kanyang mga nagawa bilang Commissioner of Customs.

Pansinin na nang italaga si Comm. Ariel noong Hulyo 2025, “palubog” ang ating ekonomiya at ngayon ay “subsob” na sa krisis dahil sa gera sa Middle East.



Pero dahil sa maayos niyang pamumuno, palaging ‘surplus’ ang koleksyon ng Customs at kailangan na lang ng P157 bilyon para makamit ang ‘historic collection target’ na P1.011 trilyon.

Hindi man lang ba “patatapusin” ng Malakanyang si Comm. Ariel hanggang Disyembre para “siya” naman ang makakuha ng pagkilala bilang unang Customs Commissioner na nag-deliver ng isang trilyong piso sa kaban ng bayan?



Wala ring isyu ng korapsyon laban sa kanya at nagawa pa niyang “burahin” ang malansang reputasyon ng BOC bilang ‘one of the most corrupt agencies’ sa ilalim ng isang gobyerno na halos lahat ng opisyal ay dawit sa katiwalian.

Harinawang “pumalag” ang lahat ng sektor na bilib sa liderato ni Comm. Ariel at baka sakaling “mahismasan” ang Malakanyang, hane?

Samantala, “nasisilip” (daw) si BIR Commissioner Charlie Mendoza bilang kapalit ni Comm. Ariel at si DOF Usec. Rolando ‘Jon’ Ligon bilang bagong BIR Chief.

Si Comm. Ariel? Sa kanta nga ni Ric Manrique, kaibigang Jervy, “Tanging “Diyos” Lamang ang Nakakaalam!” Kaya PBBM, beke nemen… Abangan!