Advertisers
PORMAL nang naghain ng mga reklamo ng perjury sa Prosecutor’s Office ng Marikina City ang international visual artist at Philippine Navy Goodwill Ambassador for Culture and Arts na si Kristine Soguilon-Lim, kasama ang kanyang business partner na si Ma. Faye Manzon, laban kay Elpidio Mijares Jugalbot III, na kilala rin sa mga alyas na Elpi at Ylphy, at iba pang indibidwal.
Ayon sa mga nagrereklamo, ang bagong hakbang na ito ay karagdagan sa mga nauna na nilang isinampang reklamo kaugnay ng umano’y paglabag sa Mental Health Act, Safe Spaces Act, unjust vexation at cyber libel.
Ipinaliwanag ng kanilang legal counsel na si Atty. Hazel Chinjen-Luna na nag-ugat ang mga bagong reklamo sa mga pahayag na may kaugnayan sa umano’y online campaign laban kina Soguilon-Lim at Manzon.
Iniulat na nagsimula ang naturang kampanya matapos bawiin ng dalawa ang kanilang mga investment sa isa sa mga negosyong iniuugnay kay Jugalbot, kabilang ang Elpi, Elpi Vellychon at Herbiv.
“Ginagawa namin ang lahat ng kinakailangang legal na hakbang upang protektahan ang reputasyon at integridad ng aking mga kliyente laban sa mga pinaninindigan naming maling akusasyon at malisyosong online campaigns,” pahayag ni Atty. Chinjen-Luna.