Advertisers

Advertisers

Pagmamahal Ni Papa Dudut sa Filipino Artists, Pinatunayan Sa Pagbili Ng Painting

0 10

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

May paliwanag ang sikat at award-winning radio disc jockey na si Papa Dudut kung bakit sinusuportahan niya ang mga Filipino artist.

Binili nga niya ang painting na gawa ni Prudencio Lamarroza kahit na super mahal nito



“Well, hindi lang beause it’s expensive, and it’s parang… nagdadagdag ng value ‘pag tagal

“But because, naniniwala ako na ang mga Filipino artist ay pride ng ating bansa.



“At kailangang isabit mo sa bahay mo ang mga works ng ating mga artist.

“Actually itong mga mga magkakasama ngayon na mga artist, ay mga line up ng mga national artist.



Ang tinutukoy ni Papa Dudut ay sina Caesario Turus Simsuangco,Norma Belleza, Nelson Castillo,Raul Isidro, Juno Galang, Tam Austria, Caloy Gabuco at Prudencio.

Ang mga ito ay nakasama niya sa Grand Opening and Ribbon Cutting ng Gallery by Joyce.

Patuloy ni Papa Dudut,“Kaya dapat maging proud tayo na meron tayong mga Fiipino artists, mga masters in painting, na dapat nating sinusuportahan.

“Ang nangyayari kasi sa bansa ngayon, kapag naging popular, pumutok ‘yung career, saka natin sinusuportahan. No! It should be the other way around.

“Kahit ‘yung mga nagsisimulang mga artist.

“Ang mga masters natin dito, ay maraming pinagdaanan bago makilala ang mga pangalan nila.

“But sana, hindi pagdaanan ng mga younger artist ‘yung ganung hirap.

“So dapat ang government also should support. And ‘yung mga kababayan natin should support ‘yung mga artist natin,”

Samantala, happy si Papa Dudut sa taas ng ratings na nakukuha ng show niya na Barangay Love Stories, na napapanood tuwing Sabado, 4pm sa GMA 7.

Ang pilot episode nga nito ay humataw sa ratings na nakakuha ng 65.6% audience share.

Kaya naman thankful si Papa Dudut sa lahat ng mga nanonood at sumusuporta sa kanyang programa.

Congratulations Papa Dudut!