Advertisers

Advertisers

28K NA FR NAREINTEGRATE NA

0 14

Advertisers

HALOS 28,000 na former rebels o’ mga dating rebelde na pala ang naisailalim ng reintegration program ng Administrating Marcos.

Malacañang pa nanggaling ang balitang iyan noong nakaraang linggo kung saan inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post na 27,897 na mga dating rebelde kasama na ang kanilang mga pamilya ang nagsisuko at nabiyaan pa ng tinatayang P1 billion na government assistance mula July 2022 hanggang October 2026.

Ipinag-utos kasi yan ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan upang nabigyan Daan ang kapayapaan at kaunlaran.



At sa pamamagitan ng reintegration programs na nakakapag-bigay pa ng kabuhayan sa mga nagsisukong mga rebelde, patuloy na tumataas ang bilang.

Isinaad nga ng PCO matapos ganapin ang 10th NTF-ELCAC Executive Committee meeting sa Malacañang Palace na ipinag-utos din ni Pangulong Marcos sa mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan ang mga dating rebelde at bigyan ng mga livelihood opportunities, educational assistance, at iba pang tulong para makabalik ng maayos sa kani-kanilang komunidad.



Ang reintegration program at umasbot din sa mga pamilya ng mga dating rebelde at nasa 3,911 dependents na raw ang tumanggap ng scholarshipsss ilalim naman ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Educational Assistance Program.

4,713 na mga people’s organizations naman ang mga nsitatag at kinilala ng pamahalaan para alalayan sa mga livelihood projects ng mga ito.



Sa ilalim naman ng Barangay Development Program, P44.9 billion na ang nailaan para sa 5,638 na kabilang sa 9,750 mga proyekto sa malalayobh pamayanan ang napondohan.

Eh saan ka pa lugar niyan? Imbes na patago-tago kayo sa mga kabundukan at kagubatan na may tsamba pang mapatay sa mga enkwentro, eh di sumuko ka na lang.