Advertisers

Advertisers

1,500 Pinoy bihag sa scam hubs sa Myanmar

0 20

Advertisers

UMAABOT umano sa 1,500 Pinoy ang bihag ng mga sindikato na nagpa=patakbo ng scam hubs sa Myanmar, kungsaan binubugbog ang ilan kapag nagtatangkang tumakas o humingi ng tulong sa Philippine Embassy.
Ayon sa ulat ni Joash Malimban sa Bilyonaryo News Channel, mga Chinese national na nagpapatakbo ng pitong scam hub sa Myanmar ang may bihag sa hanggang 1,500 Pilipino.
Sinabi ni dating Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na matatagpuan ang mga naturang scam hub malapit sa Myanmar-Thailand border, kungsaan mahigit 10,000 katao ang pinaniniwalaan ding hawak ng sindikato.
Ani Casio, nakakausap niya ang hindi bababa sa 34 Pilipinong biktima sa pamamagitan ng Telegram at WhatsApp.
Palihim umano silang nakakapag-usap tuwing mada-ling-araw kapag nagkakaroon ng pagkakataong magamit ng mga biktima ang kanilang cellphone.
Dahil dito, nanawagan ang isang ina, na kinilala lamang bilang Gina, sa pamahalaan na sagipin ang kanyang anak habang may panahon pa.
Samantala, sinabi ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad sa Myanmar para mapalaya at maiuwi ang mga Pinoy na biktima. Nasa 90 Pilipino na ang na-repatriate sa nakalipas na dalawang buwan.
Hinimok naman ni Casio si Pangulong Bongbong Marcos na talakayin ang problema sa ASEAN Summit upang magkaroon ng nagkakaisang hakbang ang mga bansa laban sa mga sindikato.
Nagbabala rin siya sa mga Pinoy na mag-ingat sa mga alok na trabaho sa Myanmar, Cambodia, Laos at Vietnam na “too good to be true” o sob-rang ganda o perpekto para maging totoo.