Advertisers

Advertisers

2 holdaper patay sa engkuentro

0 14

Advertisers

PATAY ang dalawang holdaper matapos makipagbarilan ang mga Ito sa mga police kahapon sa Taguig City.

Dead on the spot ang mga suspect na isa dito ay kinilala lamang sa pangalang alias Flor, 47 matapos magtamo ang mga ito ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang isang police na hindi binanggit ang pangalan sa report. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police, naganap ang insidente 12:40 ng tanghali sa panulukan ng Cayetano Boulevard at Bagong Calzada Street, Barangay Ususan ng nabanggit na siyudad.



Habang nagsasagawa ng surveillance sa nabanggit na lugar ang mga police laban sa hinahanap nilang most wanted person. Lumapit ang mga suspect sa hindi binanggit na pangalan ng biktima habang kausap nito ang mga police na nag-so surveillance, biglang nagdiklara ng hold-up ang mga ito at tinangay nila ang kuwintas ng kanilang naging biktima.

Mabilis naman hinabol ng mga police ang mga papatakas na mga suspect sakay ng isang motorsiklo hanggang sa nagkaroon ng palitan ng putok. Na nagresulta ng kamatayan ng mga suspect at isinugod naman sa Medical City ang sugatan na isa sa mga police operatives. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente. (GAYNOR BONILLA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">