Advertisers

Advertisers

HINDI IYAN GAWA NG TAO, HUNGHANG

0 10

Advertisers

NOONG mga nakaraang ilang araw, biglang bumulga sa social media ang ulat tungkol sa pagguho ng mga resort structure sa baybay-dagat ng bayan ng San Felipe sa Zambales. Batay ang ulat sa isang ulat ng isang pahayagan na pag-aari umano ng isang kilalang utusan ng isang kinasusuklamang dinastiya sa pulitika ng bansa.

Wala sanang suliranin sa ulat maliban sa isang bagay. Sinadyang hindi sinabi na ang pagkawasak ng mga resort structure sa baybayin ng San Felipe ay dahil sa matinding dagok na dala ng Inang Kalikasan. Pilit ibinibintang kung sinong Pilato ang kanilang pagkawasak. Pinaratangan ang mga dredging activity kahit walang aktibidad doon.

Itinatwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may dredging activity sa apektadong lugar. Nasa ibang lugar ang dredging activity at kontrolado iyon ng DENR dahil hindi silang maaaring lumabag sa laman ng kanilang kontrata sa gobyerno.

Nangyari ang pagguho dahil sa paghampas ng mga malalaking alon sa baybay-dagat sa mga bayan ng San Felipe, San Narciso, San Antonio, Cabangan, Iba, at Botolan tuwing sasapit ang panahon ng habagat. Walang makakapigil sa ngingit ng Inang Kalikasan. Alam iyan ng mga lehitimong residente sa baybayin ng Zambales.

Nauunawaan nila ang galaw ng panahon dahil matagal silang naninirahan sa Zambales. Hindi ito masasabi ng mga dayo ng biglang dumating sa Zambales pagkatapos ng pagputok ng Mt. Pinatubo at nagtayo ng mga resort sa harap ng baybay dagat.

Binago ng pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991 ang baybayin ng Zambales. Nagkaroon ng maraming deposito ng maghalong putik, bato, at lahar sa mga daluyang ng tubig (mga ilog at estero) sa lalawigan. Dahil sa maraming deposito, pinahaba ng pagputok ng bulkan nga mahigit sa isang kilometro ang baybay dagat sa mga bayan ng San Felipe, Cabangan, San Narciso, San Antonio, at San Marcelino.

Ani Reinhard Jeresano, alkalde ng San Felipe, sa panayam ng isang malaking TV network tumaas ng mahigit sa 30 metro ang lupa sa baybay dagat dahil sa pagputok ng bulkang Pinatubo. Lumawak ang baybayin at ito ang naging dahilan upang dumagsa ang maraming dayo upang magtayo ng beachfront resort at maghanap buhay doon.

Dapat sisihin ang mga pamahalaang lokal sa kanilang pagdagsa doon. Ngunit ibang usapin ito at may kalaliman. Marami sa mga dayo ang nagkaroonng rights umano upang magtayo ng beach resort structures doon. Pero anong klase ng karapatan? Ang maging iskwater doon?

Samantala, alam ng Inang Kalikasan na bawiin ang ibinigay. Sa pag-inog ng panahon, unti-unting kinuha ang mga lumawak na baybayin na bunga ng pagputok ng bulkang Pinatubo. Humampas ang mga malalaking alon sa baybayin upang mawasak ang bahagi ng baybayin na lumaki at lumawak dahil sa bulkan.

Samantala, kailan lang nauso ang dredging activity at nangyari ito sa ilang piling bahagi upang makontrol ng gobyerno ang gawaing ito. Nasa ilalim ng kontrata sa pagitan ng mga pribadong kompanya at DENR ang mga dredging activity. Hindi ito basta-basta ginawa lang tulad ng paratang ilang hindi nakakaunawa sa nangyayari sa baybaying ng Zambales.

Mismong ang Zambales Foreshore Development River Restoration Management Council (ZFDRMC), isang multisectoral na kalipunan, ang kumilala sa unti-unting pagkawala ng ilang bahagi ng dalampasigan ng San Felipe. Sinabi nito na hindi dahilan ang dredging activity kundi ang proseso ng kalikasan ang dahilan.

Nagbabala si Zambales Gov. Hermogenes Ebdane Jr. sa mga resort operators, karamihan ng mga dayo na hindi kabisado ang takbo ng panahon sa lalawigan, na huwag na munang gumawa ng anumang bagong istruktura doon na gigibain lang ng mga malalaking alon, malakas ng ulan, at matinding hampas ng hangin doon.

Magpapatuloy ang soil erosion sa mga susunod na panahon dahil hindi matatagal na lupa ang lumawak na dalampasigan. Galing ito sa mga accretion na ibinuga ng bulkang Pinatubo. Mananatiling apektado ang mga beach resort doon.

***

IBANG klse si Sen. Lito Lapid. Aminado siya na hindi nakapag-aral tulad ng kanyang mga kasamang mambabatas. Hindi siya masalita, ngunit matiyaga siyang sumubaybay sa mga talakayan upang makapagbigay ng makabuluhang pasya sa anumang paksa ang pagbobotohan sa Senado. Hindi siya tulad ni Camoteng Robin at Fake News Babs na masyasong masalita sa mga isyu na hindi nila ganap na nauunawaan.

Hindi rin siya maihahambing sa magkapatid na Cawatano na maprehong mapaganggap at mapagkunwari na akala mo ay saksakan ng galing. Mapagkumbaba si Lito at masasabing nasa tamang lugar ang puso. Noong Martes, tumayo siya sa Senate Impeachment Court (SIC) upang magbigay ng sariling pananaw batay sa kanyang pakikisalamuha sa ilang abogado. Tinanong niya niya si Atty Karen Batu kung nagsusumite ang mga pulitiko ng SALN na may tamang datos. Tama nga ang tanong niya.

***

ISANG senador ang nahaharap sa sakdal. Kumpirmado na may subpoena na natanggap si Robin Padilla mula sa DoJ. Obstruction of justice anf sakdal laban sa kanya. Tingnan natin ang galing ng kamoteng ito kung uubra ang yabang niya sa harap ng hukuman.

Kaya nga kakaibang Camoteng Robin ang nasaksihan natin. Biglang tumahimik. Hindi nagsalita sa Senate Impeachment Court (SIC). Nawala ang tikas at yabang.