Advertisers

Advertisers

Celebrity Singer Rozz Daniels, Suportado Ni Celeb Lawyer Atty. Maggie Abraham Garduque Sa Mga Bashers At Detractors

0 2

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

Noong nasa US ang alaga naming si Rozz Daniels, na gumagawa na ng pangalan sa showbiz dito sa Local Entertainment Industry. Nakasubaybay sila sa TFC ng american husband na si Sir David Daniels sa kaso ni Vhong Navarro at awang-awa sila kay Vhong.

At napapanood rin ng sweet couple na ang kilalang beautiful celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham Garduque, ang isa sa legal council ni Vhong. At si Atty. Maggie, ang nakapagpalabas kay Vhong sa loob ng kulungan.

Kaya naman laking tuwa ni Rozz, at finally nitong September 14, kasama ang inyong lingkod ay na-meet na nila ni Sir David si Atty. Maggie sa napakaganda at sosyalin na Abraham Pimentel & Acuna Law Office, sa AXA Life Centre sa Gil Puyat Makati.

May idinulog na legal matters si Rozz kay Atty. Maggie, na matagal na naming kaibigan. At naging productive naman ang meeting namin ni Rozz at Sir David sa said pretty famous lawyer. Napag-usapan pa nga ang itinayo ni Rozz at Sir David na Talent Management na R&D Entertainment Production na nariyan ang mga magaganda at mga gwapong mga talent na pamangkin namely Shiharu Torregosa Saito, Brandon Torregosa, Monica Torregosa Santos, Richael Torregosa, Abby Torregosa Larena, Ruru Torregosa Saito, Yanie Torregosa, Torregosa Ladies, at Dynasty Dancers. Nagbigay pa nga ng advices si Atty. Maggie para makilala ito na mag-discover ng mga new breed of talents si Rozz. Possible na si Atty. Maggie na rin ang tatayong legal council rito na expert pagdating sa paggawa ng management contract between R&D Production and talent. At excited rito si Rozz.

Going back, sa inalapit na usaping legal ni Rozz. Ito ay may kinalaman sa walang pinagkantandaan basher na kakilala namin na walang respeto na tawagin sa ibang pangalan si Rozz at wagas kung makahusga sa kanila ni Sir David. At dahil kilala siya ni Rozz ay may malice at merit ang ginawa nitong bashing. At dapat maturuan ng leksyon ang ganitong uri ng entertainment media. Gayundin sa iba pang nangmamaliit sa aming alagang Pop Rock Diva na rumespeto lalo’t pinaghirapan ni Rozz ang kanyang career. I’m sure, lahat ay magbabago ang impression kay Rozz, na hindi pala sila basta-basta ni Sir David.

Rozz, is happy to have met Atty. Maggie in person.

“David and I are looking forward to working with Atty. Maggie. In all fairness, she is pretty and tall in person.

“I admire her; she truly fights for all her celebrity clients who have been victims of false accusations. The saying holds true: evil will not triumph over good.” Nagpapasalamat rin pala si Rozz sa lahat ng staff, ni Atty. Maggie na mababait at accomodating sa kanila ni Sir David and to me.

By the way, after Rozz very successful mall show at Farmers Plaza. This September 20(Sunday) from 3:00 PM onwards ay mapapanood naman si Rozz, ng kanyang fans sa Activity Center ng Victory Plaza sa Monumento Caloocan. Malay mo ikaw na pala ang winner ng isang brand new cellphone courtesy of Rozz and Sir David. Mamimigay rin ang “Revival Queen” ng t-shirt, poster at ayudang cash para sa mga lola at lolo. See you, all there on Sunday.