Advertisers
Naaresto ang isang tulak ng ilegal na droga ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Tanza Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operation noong Lunes, Hulyo 13, 2026 sa Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.
Nakumpiska sa operasyon ang apat sachet ng shabu na may kabuuang timbang na 13.53 gramo at tinatayang Standard Drug Price (SDP) na P92,004.00, gayundin ang isang pirasong P500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Isinagawa ang imbentaryo at dokumentasyon ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek, kinatawan ng media, at isang Barangay Councilor alinsunod sa umiiral na mga alituntunin ng batas.
Ayon kay PLTCol. Chester Noel R. Borlongan, Chief of Police ng Tanza MPS, patunay ang matagumpay na operasyon ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bayan ng Tanza.
Patuloy namang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga naarestong suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.