Advertisers
SAPILITAN umanong dinala sa isang lodging house at niyayang makipag-‘esmiringhoy’ ng isang elected official sa Palawan ang kaniyang staff ilang buwan na ang nakakalipas matapos magkaroon ng isang event sa Puerto Princesa City.
Nakipag-ugnayan ang kuya ng biktimang babae sa Brigada News matapos una nang magreklamo sa nararapat na ahensya dahil sa halip na hu-mingi ng pasensya ang opi-syal sa kanilang pamilya, sila pa umano ang binabantaan na sasampahan ng kaso.
Base sa sinumpaang salaysay na ibinigay ng biktima sa Brigada News, sinundo siya ng kaniyang “boss”’ isang gabi para puntahan umano ang iba nilang kasamahan. Subali’t, nagulat na lamang ito nang mapunta sila sa isang lodging house.
Hindi pamilyar sa lungsod ang biktima, kaya’t ang buong pag-aakala nito ay nasa loob lang ng establisyemento ang kaniyang mga kasamahan gaya ng sinabi sa kaniya ng kaniyang boss.
Dahil nakaramdam na ng kakaibang awra ang biktima, nagsimula na itong mag-rekord sa kaniyang telepono. Kuhang-kuha sa ebidensya kung paano siya niyaya ng “esmiringhoy”’ ng boss.
Pumalag ang biktima, kaya’t hindi natuloy ang maitim na balak ng politiko.
Matapos malaman ng politiko na may hawak na recording ang biktma, pinadalhan ito ng demand letter para burahin, at tinanggal narin ito sa kaniyang trabaho.
Nakarating na sa Committee on Ethics ng Provincial Government ang reklamo.