Advertisers
TINATAYANG aabot sa mahigit P.1 milyong halaga ng kush ecstacy at shabu ang nasakote ng pulisya nang madakip ang walong drug suspects sa isang buy-bust operation sa Parañaque City, nitong Miyerkoles.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, director ng Southern Police District (SPD) ang mga suspek na sina Clifford Valencia, 42; Carlos Medel, 44; Katrina Ilisan, 41; Cyril Siramen, 26; Suzuki Adriel, 27; Aragon Allen; 36; Rosarito Rolando, 53 at Agustin Marco, 47.
Sa report, 12:15 ng madaling araw nang arestuhin ng Parañaque City Drug Enforcement Unit ang mga suspek sa Talise St., Brgy. San Dionisio sa pamumuno ng hepe nito na si Police Colonel Maximo Sebastian Jr.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang kush, ecstacy at shabu na nagkakahalaga ng P155,000.00.
Nakakulong ang mga suspek sa Parañaque City Police detention facility at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.(Gaynor Bonilla)