Advertisers
Kritikal ang 33-anyos na karpintero nang hatawin ito ng martilyo at sinaksak pa ng kanyang ka-barangay sa Malabon City.
Inoobserbahan sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdidb ang biktimang si WilfredoTumampil ng C4 Road, Brgy. Tañong.
Pinaghahanap naman ng mga pulis upang maaresto ang salarin na si John Paul Santos, nasa hustong gulang ng No. 736 Rizal Avenue.
Sa ulat ni PSSG Jeric Tindugan kay Malabon police chief Col. Albert Barot, habang natutulog sa No. 736 Rizal Avenue, Brgy. Tañong si Tumampil,11:00 ng umaga, Oktubre 21 nang dumating si Santos at hinataw ng martilyo saka sinaksak ng kitchen knife sa dibdib ang biktima.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang salarin sa hindi matukoy na direksyon kung saan nasaksihan ang insidente ni Lito Beltran, 39, habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na martilyo at kitchen knife habang inaalam pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pananaksak sa biktima.