Advertisers

Advertisers

Nakaimbak na suplay ng bigas ng rebelde, nadiskubre

0 230

Advertisers

Nadiskubre ng tropa ng pamahalaan ang limang container na naglalaman ng bigas na pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Tagcar, Barangay Isca, Gonzaga, Cagayan.

Narekober ito ng tropa sa tulong ng mga residente na silang nagpaabot ng impormasyon kung saan nasa 20 liters na galon na naglalaman ng bigas ang kanilang nadiskubre.

Sa pagresponde ng militar, ipinabatid ng mga residente sa lugar na sa mga galon inilalagay ng mga teroristang grupo ang kanilang mga nakokolektang bigas mula sa mga magsasakang residente.



Dahil dito, hinikayat ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army ang publiko na agad ipagbigay alam sa kinauukulan kung nakararanas ng pangingikil mula sa mga teroristang NPA.