Advertisers
MAKAKAHARAP ni dating world title challenger Jetro Pabustan ang unbeaten world-rated super featherweight Albert Bell sa main event ng “ Friday Fight Nights” (PH time) sa Celebrity Theatre sa Phoenix, Arizona
Si Pabustan ay itinuturing na underdog sanhi ng malaking height at reach disadvantage laban sa matangkad na si Bell.
Bell ay may tangkad na 6’0 mas matangkad ng limang pulgada kay Pabustan, na 5’7″.
Pabustan ay hindi pa lumaban ng mahigit isang taon simula mabigo kay Pete Apolinar by unanimous decision sa Mandaue City sa 2020.
Lumaban si Pabustan sa World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt kontra Panya Uthok pero natalo via third round technical decision. tinigil ang laban matapos magtamo si Pabustan ng malaking hiwa sa kaliwang kilay mula sa accidental headbutt.
Pabustan ay dating WBO Asia Pacific bantamweight champion sa panalo kay Tatsuya Takahashi ng Japan noong 2017.
Samantala si Bell, na super featherweight. kagagaling lang sa unanimous decision kontra Julio Cortez noong August 14, 2021. nagwagi rin siya laban kay Andy Vences at Filipino Mark Bernaldez.
Bell ay kasalukuyang rated No.7 sa WBO super featherweight, kung saan si Jamel Herring ang kasalukuyang title holder.
Pabustan ay 30-8-6 na may nine knockouts, habang si Bell ay 19-0 na may limang knockouts.